Benepisyo at Inaasahang resulta:
Ang magiging benepisyo ng pagsasalin
nito sa wikang Filipino ay maiintindihan na ng karamihan at mas mauunawaan ang
mga kahgulugan ng mga ito. Maari ding maintindihan ng mga ordinaryong tao dahil
nakasalin na ito sa Filipino term.. Dahil pag nakasalin na ito sa Filipino ay
mas maiintindihan na natin. Tulad ko bilang isang mag-aaral na kumuha ng kursong
IT mas maiintidihan ko at mas mapapadali dahil ito ay nakasalin sa Filipino
term. Dahil nakasalin na sa sarili nating wika
ay hindi na natin kakailanganin
pa ng karagdagang impormasyon dahil mauunawaan na natin agad ang mga
terminiolohiya sa IT.
Magiging resulta ay mas iintindihin na
ng iba ang mga terminolohiya dahil mas madali na itong unawain, at hindi na
sila mahihirapan na isalin pa ito sa Filipino.
Disenyo ng Proyekto: Adbokasiya
Ang proyekto ko ay mag survey sa mga kapwa IT’ estudyante
kung san sila mas sasang-ayon, kung nakasalin ba ang mga terminolohiya sa IT sa
wikang Filipino o sa Ingles. Kung mas maraming sasang-ayon sa pagsasalin sa
wikang Filipino. Maaaring isuhestiyon sa Pinakamataas na guro ng aming
Departamento ang kagustuhan ng mga IT’ng estudyante.
Para makilala ang aking layunin na “Mas mabuting maisalin ang
mga terminolohiya sa IT sa wikang Filipino,” Maaari ko itong isuhestiyon sa mga
kapwa IT ‘ng estudyante katulad ko. Maaari rin na sa mga Programming Teacher’s
at sa mga estudyanteng may kursong tungkol sa Impormasyong Pang-teknolohiya.
Maaari din naman manghikayat ako ng mga kapwa estudyante na mas tinatangkilik
ang wikang filipino’ng mga terminolohiya kaysa ingles.
No comments:
Post a Comment